SIKWAL-GMO Relaunched

March 23, 2018

by MASIPAG National Office

Naga City – Multi-sectoral alliance who led the historic 2013 uprooting of Golden Rice in Pili, Camarines Sur convened to launch a stronger campaign against Golden Rice.

The proponents of the genetically modified rice has applied anew for the field trials and direct use of food, feed and processing in the country after cancelling the supposed commercialization in 2014. Farmers and civil society organizations in the Philippines and in other countries as well have expressed the opposition against Golden Rice.

Below is the declaration from the forum:

DEKLARASYON NG PAGKAKAISA PAGKAKAISA NG MGA MAGSASAKA AT MAMAMAYAN LABAN SA LASONG GMO (GENETICALLY MODIFIED ORGANISM)

KAMI, ang mga magsasaka kasama ang malawak na mamamayan sa Kabikolan ay nagbuklod-buklod at buong-lakas na nagkakaisa upang tutulan ang PAGPAPATUPAD AT KOMERSYALISASYON NG GENETICALLY MODIFIED ORGANISM (GMO)sa Bikol at sa buong bansa sapagkat hindi ito ligtas na pagkain, masama sa kalusugan ng tao at makakasira sa kapaligiran. Hindi ito ang sagot sa kahirapan ng mga magsasaka at kakulangan sa pagkain ng maraming Bikolano at ng buong mamamayan. Tinutulan namin ang dayuhang kontrol sa agrikultura at ang mga Agro-chemical Trans National Corporations na siyang pangunahing nagpapalaganap nito kasabwat ang mga ahensya ng gobyerno partikular ang Department of Agriculture o DA, IRRI at Phil Rice.

Gayundin,tinutulan ang malawakang pagpapalit-gamit ng lupaing agrikultural tungo sa komersyal, industriyal at residensyal na gamit na nagreresulta ng kawalan o pagliit ng lupang sakahan at pinagtataniman para sa pangunahing pagkain (bigas) at mga produkto ng mga magsasaka sa Bikol. Ang kagutuman ay dulot ng napakaraming mga problema – pangunahin na dito ang kawalan o kulang na pagkain dahil sa kahirapan dulot ng: mataas na presyo ng bilihin, pagkasira ng lokal na produksyon ng pagkain (monocropping), kapos na plano at suporta mula sa gobyerno upang lunasan ang problema sa pagkain at malnutrisyon at pagbabago ng pinipiling pagkain. Ngunit sa pangkalahatan, ang kawalan o kulang ng sariling lupang tinataniman habang pinapagamit ang malalawak na lupain sa mga dayuhang korporasyon at malalaking lokal na negosyante, kawalan ng subsidyo at wastong suportang serbisyo mula sa gobyerno para sa pagpapaunlad ng akrikultura at ang malawakang kumbersyon ng mga lupang agricultural ang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka.

Ang pangako ng Golden Rice o Vitamin A-Rice, na ito ang sagot sa problema sa malnutrisyon ay walang siyentipikong basehan at walang konsiderasyon sa ibang aspetong Vitamin A Deficiency (VAD) at kagutuman. Dahil sa kahirapan, hindi lamang VAD ang problema kundi pati na din ang kakulangan sa iba’tibang klase ng nutrisyon. Hindi solusyon ang Golden Rice sa isang kumplikadong problema bagkus ay maaari pang magpalala sa sitwasyon ng kagutuman ng mga mamamayan. Ang Golden Rice ay isa pang uring high input variety na nakahulma sa paggamit ng mataas na kantidad ng sentitikong pataba at pestisidyo kung saan matagal nang tinutulan ng mga magsasaka. Itinutulak ito ng mga Trans-National-Corporations (TNCs) tulad ng Syngenta at Monsanto kasabwat ang DA, IRRI, Philrice, Golden Rice Humanitarian Board (GRHB) at mga dayuhang Funding Agencies (FAs) para makakuha ng dambuhalang tubo habang nagkukubli ito sa pagbabalat kayong ang paglikha ng Golden Rice ay para raw sa “humanitarian purposes”. Samantala, ang mga TNCs na ito ang may kontrol sa patenteng mga binhi at lahi at kumikita ng halos P30 Bilyong dolyar sa isang taon habang patuloy ang pagbagsak ng kabuhayan ng mga magsasaka—ang pangunahing lumililikha ng ating pagkain pangunahin ang palay.

Kung kaya’t, kaming mga magsasaka kasama ang malawak na mamamayang Bikolano ay nagkakaisa na tutulan at labanan angPAGPAPATUPAD AT KOMERSYALISASYON NG GENETICALLY MODIFIED ORGANISM (GMO) at ng GOLDEN RICE sa Bikol at sa buong bansa. Ipalaganap ang maraming alternatibong paraan na magbibigay ng kalutasan sa krisis sa produksyon ng palay. Ipaglaban ang pagkakaroon ng Genuine Agrarian Reform Program at isagawa ang likas-kayang pagsasaka na dibersipikado at ang kolektibisasyon ng produksyon. Sa pangkalahatan, tanging ang pagkakaroon lang naming ng sariling lupang sinasaka at tinataniman at pagkakaroon ng sapat at wastong suportang serbisyo sa pagpapaunlad ng agrikultura ang magtitiyak ng sapat at ligtas na pagkain para sa lahat. Kung gayon, napapanahon, may malakas na batayan at kagyat na kailangan ang pagpapalakas at pagpapalawak ng SIKWAL-GMO para manguna sa “pagsikwal” (pagtakwil) ng GMO/Golden Rice.