
Makiisa at matuto sa PRAKSIS: Pagtatagpo ng Teorya at Praktika sa Mayo 4-5, 2021, 1:00-5:00 ng hapon. Tunghayan ang presentasyon ng mga pananalisik at dokumentasyon mula sa scientist track at farmer track may temang Patnugot ng Masa para sa Agroekolohiya at Soberanya sa Pagkain.
Rasyunale at Layunin
Inilunsad ng MASIPAG ang panawagan sa papel pananaliksik at dokumentasyon ng mga inobasyon/praktikang pagpapaunlad upang bigyang-diin ang kahalagahan ng teknikal at praktikal na aspeto ng pagsasaka sa balangkas ng Agroekolohiya at Soberanya sa Pagkain. Sa kabuuan, nakalikom ng labing-isang abstrak at anim na maikling dokumentasyon ang Panawagan. Mula sa unang lebel ng pagsasala kung saan pinili ang mga papel na tugma sa natukoy na tema at mungkahing paksa, nagpasa ang mga kalahok ng buong papel at dokumentasyon na siyang sumailalim sa pagtatasa ng mga panelista at mga kinatawan ng BOT. Ang mga mapipiling natatanging pananaliksik at inobasyon/praktika ay makatatanggap ng pinakamataas na pagkilala, ang Gawad Ka Pecs.
Upang bigyang plataporma ang mga lathala ng siyam na kalahok (anim mula sa track ng siyentista, tatlo mula sa track ng magsasaka) isasagawa ang pambansang kumperensyang pinamagatang PRAKSIS: Pagtatagpo ng Teorya at Praktika sa ika-4 at ika-5 ng Mayo, 2021 na may mga sumusunod na tukoy na layunin: (1) magkaroon ng palitan kaalaman sa pagitan ng mga taga-akademiya at magsasaka patungkol sa agroekolohiya/likas-kayang pagsasaka; (2) mahikayat ang mga taga-akademiya na magsagawa ng mga pag-aaral base sa pangangailangan ng mga maliliit na magsasaka; (3) pasiglahin ang kakayahan ng mga magsasaka sa aspeto ng dokumentasyon sa inobasyon/praktika; at, (4) patibayin ang pantay at produktibong relasyon sa pagitan ng mga siyentista/taga-akademiya at magsasaka.
Magregister sa link na ito upang makatanggap ng mga update: https://bit.ly/3dlz2P7. Maaaring makiisa sa pamamagitan ng Zoom at FB Live.