Atty Ben Ramos, Bayani ng mga Maliliit na mga Magsasaka

October 29, 2021

by MASIPAG National Office

“Nahadlok kayo (natatakot kayo)? Gusto nyo hanggang dyan na lang kayo?” Sa ganitong pananalitanaalala ni Elizabeth Cuenca si Atty Ben, sa panahong pinanghihinaan sila sa kanilang laban sa lupa.

Nobyembre 6, 2018 ginulantang ng masamangbalita ang buong network ng MASIPAG sa mapait na sinapit ng legal consultant at matagal na Board of Trustees member ng MASIPAGna si Atty Ben Ramos. Ayon sa ulat, binaril ngmalapitan si Atty Ben ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa isang tindahan sa Kabankalan City dakongalas-10 ng gabi. Nagtamo siya ng tatlong tama ngbaril sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyangpagkamatay.

Sa edad na 56, si Atty Ben ang ika-34 na abugado ang napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Noong Abril 2018, malisyosongidinawit si Atty Ben sa listahan ng mga diumano’y mga miyembro ng mga makakaliwang grupo sa probinsya ng Negros.

Buhay ni Atty Ben

Tanging lalaki sa walongmagkakapatid, lumaking mabait, matalino at palasimba ang batang Ben Ramos. Nakapagtapos siya ng kursong Business Administration sa Siliman University, at kalaunan ay nagtrabahosa gobyerno. Ayon sa kanyang mgakamag-anak, hindi matiis ni Atty Benang sistema sa loob ng gobyerno.Gayong nagtapos ng kolehiyo, mas pinili na lang niya na mamasada gamitang tricycle ng kanyang bayaw paramay kitain

Noong kalagitnaan ng 1980s, bumagsakang ekonomya sa isla ng Negros dalang krisis sa pandaigdigang merkado sa asukal. Pangunahing naapektuhan nito ang mga manggagawang bukidna nakaasa sa arawang sweldo mula sa mga hasyenda. Sa isang non-government organization nagkakilala sila Atty Ben, Georie Pitong at Manny Yap, na noon ay mga batang staff ngnasabing NGO.

Hindi maayos ang pamamalakad at direksyon ng pinasukan naming NGO. Nagdesisyon kaming tatlo na umalis, at magbuo ng panibagong NGO na sa tingin namin ay tutugon sa problemang mga manggagawang bukid sa Negros” 

Georie Pitong, Regional Coordinator ng MASIPAG Visayas.

“Hindi maayos ang pamamalakad at direksyon ng pinasukan naming NGO. Nagdesisyon kaming tatlo na umalis, at magbuo ng panibagong NGO na sa tingin namin ay tutugon sa problema ng mga manggagawang bukid sa Negros,” ayon kay Georie Pitong, Regional Coordinator ng MASIPAG Visayas.

Magkakasama nilang itinatag ang Paghidaet sa Kauswagan Development Group o PDG. “Mahirap ang mga unang taon ng PDG. Tanging commitment at volunteerism lamang ang aming bitbit pagpunta sa mga komunidad. Sinikap naming mag-ambag ng solusyon sa malawak na kagutuman noon sa Konsultasyon kasama ang mga magsasaka ng Negros. Kamote, saging at manok ang kapalit sa serbisyong binibigay ni Atty Ben. Negros. Nagsimula kami sa mga vegetable project para may makain man lamang ang mga magsasakang tinatamaan ng gutom,” dagdag ni Georie.

PDG at MASIPAG

Gayunman, sa kabila ng kanilang pagsusumikap na magbigay ng pagsasanay sa mga magsasaka, nakita nila na napupunta lamang ang malaking porsyento ng kita ng mga magsasaka sa mga inputs na pagmamay-ari ng mga dayuhang korporasyon. Ayon kay Georie, nalaman nila na may isang NGO na kayang magturo ng mga pamamaraan sa pagsasaka na hindi na kailangan pang bumili ng binhi o inputs. Nagsikap silang makontak si Ka Pecs Vicente ng MASIPAG upang mabigyan ng pagsasanay ang mga magsasaka sa likas-kayang pagsasaka. Mula sa tatlong magsasakang ipinadala ng PDG sa isang training sa MASIPAG, nagsimula na ang partnership ng dalawang organisasyon para sa muling pagbabalik kontrol ng mga magsasaka sa agrikultura.


Malaki ang naimbag ni Atty Ben at ng PDG sa pagbibigay ng direksyon sa MASIPAG. Nagmula sa kanila
ang farmer-led development, isang prinsipyong gumagabay upang tiyak na ang mga programa ng network ay mula at para sa mga maliliit na mga magsasaka. Sa panahon ng organisasyunal na mga krisis, naroroon si Atty Ben upang magbigay linaw at paliwanag ng naayon sa prinsipyo at pananaw ng MASIPAG, at pagpapahalaga sa consensus sa mga desisyong pang-organisasyon. Sa loob ng halos dalawang dekadang serbisyo bilang Board Member ng MASIPAG, ang mga interes ng mga maliliit na mga magsasaka ang nagsilbi niyang gabay sa anumang problema o hamon sa MASIPAG.

Si Atty. Ben sa ika 9 General Assembly ng MASIPAG


Gayong may pag-unlad sa pagsasaka at unti-unting natutugunan ang pagkain ng mga pamilya, isang malaking hadlang sa mga magsasaka sa Negros ang kawalan ng sariling lupa. Kilalang hacienda capital ang nasabing isla, kung saan nakakonsentra sa iilang pamilya ang libo-libong ektarya ng lupang tinatamnan ng tubo. Sa panahong ito, nagsumikap si Atty Ben na kumuha ng abugasya, at nang magtapos, ay nagbigay ng libreng serbisyong legal sa napakaraming mga magsasakang nahaharap sa laban sa lupa.


Sa mga una niyang hinawakang kaso, hindi talaga nagpapabayad si Atty Ben. Wala siyang service na sasakyan o kotse kaya kapag aattend sa hearing yung tricycle nya ang gamit,

“Malaki ang naimbag ni Atty Ben at ng PDG sa pagbibigay ng direksyon sa MASIPAG. Nagmula sa kanila ang farmerled development, isang prinsipyong gumagabay upang tiyak na ang mga programa ng network ay mula at para sa mga maliliit na mga magsasaka.”

tapos pag-uwi may bitbit syang container. Ang laman, suka! Bigay ng kanyang kliyente na magsasaka bilang appearance fee” nya bilang abugado ayon kay Dennis Omison, dating staff ng PDG at ngayon ay Cluster Coordinator sa Visayas. Nagbigay din sila ng mga paralegal training sa mga magsasaka, upang kanilang mauunawaan ang batas at ang kanilang mga karapatan sa lupa.

Pakikiisa ni Atty Ben sa panawagan ng mga magsasaka sa agarang pagpapasara ng IRRI.


Dati kaming mga manggagawa sa hasyenda. Tumulong ang PDG upang buuhin ang aming organisasyon para maka-apply kami bilang beneficiaries ng CARP. Mataas ang posisyon sa pulitika ng landlord namin, at nakakatikim kami ng harassment sa tuwing may gagawin kaming hakbang,” ayon kay Elizabeth “Neneng” Cuenca, isa sa miyembro ng (PO) na tinulungan ng PDG. “Si Atty Ben ang gumabay sa amin kung ano ang dapat gawin at kung kanino lalapit para makuha namin ang aming CLOA. Lahat ng kaalaman namin, na may mga karapatan pala kami ay dahil kay Atty Ben at sa PDG.”


Simpleng buhay, simpleng pamilya


Sa kabila ng posibilidad ng mas maalwang buhay, pinili ni Atty Ben ang simpleng pamumuhay para sa kanyang pamilya. Ipinaunawa nya sa kanyang mga anak ang kahalagahan ng kanyang trabaho at kung bakit kailangan nyang tumulong sa mga magsasaka. Walang sariling lupa o bahay ang pamilya ni Atty Ben, matatagpuan ang kanilang tirahan mismo sa loob ng compound ng PDG. Ayon kay Amber Heckleman, isang estudyante sa Canada na nag-intern sa PDG, laging bukas ang kanilang bahay at opisina sa sinumang magsasakang nais na makahingi ng tulong mula sa kanila.


Walang sinisingil si Ben sa kanyang hinawakang kaso. Saging, gulay, manok, minsan mga parol o ano mang ibigay ng mga magsasaka ang tanging natatanggap naming,” ani ni Clarisa Ramos, asawa at katrabaho ni Atty Ben sa PDG.


Panawagan ng hustisya


Dinagsa ng mga magsasaka, katrabaho at mga kamag-anak ang burol ni Atty Ben sa Sipalay City. Karamihan may dalang kwento kung paano nila naalala si Atty Ben, mula sa kanyang pagtimpla niya ng kape, paboritong brand ng sigarilyo, pagpupuyat upang pag-aralan ang mga kaso, ang kanyang simpleng pamumuhay, pakikisalamuha at pakikiisa sa laban ng mga magsasaka. Nakiisa din sa nasabing parangal si dating Dept. of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) President Edre Olalia at Karapatan Secretary General Cristina Palabay.


Ipinakilala din sa burol ni Atty Ben ang isang librong pinamagatang “Stories of Struggle” na tungkol sa karanasan ng mga magsasaka sa reporma sa lupa sa Negros at mahalagang ambag ng PDG sa pagpapayaman ng mga karanasang ito. Sinaliksik at sinulat nina Sarah Wright at Ma. Diosa Labiste, ini-alay nila ang nasabing libro kay Atty Ben bilang paggunita sa kanyang napakalaking ambag sa kilusang magsasaka para sa reporma sa lupa sa probinsya ng Negros.


Nag-alay din ng pahimakas si Aline Waters, isa sa mga nagtaguyod ng Quinoa, partner organization ng PDG na nakabase sa Belgium. “We stand before you, lost, angry and somehow shameful to belong to a world that kills the best of human beings, and being utterly convinced that we could have done more. We stand before you humbled by the kind of hero you were, the only kind of hero we can be – heroes that put themselves anonymously, with bare hands, empty pockets, at the disposal of those they serve” ani ni Aline. Kinundina din ng Action Solidarite Tiers Monde mula sa Luxemborg, at maging ng European Union ang ginawang pagpaslang kay Atty Ben.


“Sa dami ng kasong isinampa sa amin, andun si Atty Ben. Sa loob ng 18 taon ng land struggle namin, andyan si Atty Ben at ang PDG, kapamilya na ang turing namin sa kanila. Kung wala ang tulong ni Atty Ben at ng PDG, siguro hanggang ngayon manggagawang bukid pa din kami sa hasyenda. Ngayon, may nagke-claim ulit sa aming lupa kaya nalulungkot kami kasi alam naming malaki ang maitutulong ni Atty Ben sa amin,” dagdag ni Neneng. “Sa nangyari kay Atty Ben, matinding lungkot ang nararamdaman namin kasi wala na kaming masasandalan. Sa tingin namin mahihirapan kaming makahanap ng papalit sa kanya.”


Mahigit 2,000 mga mamamayan mula sa Negros, kalapit probinsya sa Visayas, national organizations at foreign networks ang naghatid kay Atty Ben sa kanyang huling hantungan sa bayan ng Sipalay. Ayon kay Georie, tila itong libing ni Atty Ben ang isa sa pinakamalaki at pinakamaraming nakiramay sa kasaysayan ng mga libing sa Negros.


Agarang hustisya ang panawagan ang pamilya, mga magsasaka at iba’t ibang sektor, kasama ang MASIPAG para kay Atty Ben Ramos. Mariin ang posisyon ng network na ang pag-atake at pagpaslang sa mga abugado, development workers at human rights advocates gaya ni Atty Ben ay pag-atake din sa karapatan ng mga mamamayan para sa pagunlad.


Sa kabila ng pagdadalamhati, maging inspirasyon sana ang naging buhay ni Atty Ben upang patuloy nating isulong ang karapatan ng mga magsasaka at kamtin ang isang lipunang makatao at makatarungan.

Ang artikulong ito ay unang nailimbag noong 2018, sa Hunyo-Disyembre na isyu ng SUHAY, ang opisyal na newsletter ng MASIPAG. Patuloy na pinapanawagan ng may akda, si Alfie Pulumbarit (kasulukuyang Infocomms and Advocacy Unit Head ng MASIPAG), at ng buong network ng MASIPAG ang pagbibigay hustisya sa pagpaslang kay Atty. Ben Ramos.