Mula sa Magsasaka, Para sa Magsasaka, MASIPAG sa ika-38 nitong Anibersaryo

June 7, 2023

by MASIPAG National Office

Noong kalagitnaan ng diktaduryang Marcos taong 1985, nagsagawa ang mga lider magsasaka sa iba’t-ibang panig ng bansa at mga development workers ng Agency for Community Educational Services Foundation o ACES ng isang pambansang kumperensya ng mga magsasaka hinggil sa isyu ng bigas sa Unibersidad ng ang Pilipinas sa Los Baños. Ang makasaysayang kumperensya na ito ay tinaguriang Bahagunian Hinggil sa Isyu ng Bigas o BIGAS conference na siyang nagbigay buhay sa MASIPAG.

Bagamat tumamasa ng suporta ang ACES noong ito ay pasimula pa lamang sa International Rice Research Institute o IRRI na siyang imbentor ng Green Revolution at mahigpit na katuwang sa pag-implema ng MASAGANA 99 program ng diktaduryang Marcos, unti-unting nakita ng mga researcher at staff ng ACES ang kapalpakan at epekto ng Green Revolution at MASAGANA 99 mula mismo sa mga magsasakang kanilang “pinagsisilbihan”- partikular ang unti-unting pagkabaon sa kahirapan ng maraming magsasakang Pilipino at ang malawakang pagkasira ng laksam buhay at pagbagsak ng industriya ng palay dala ng napakamahal at hindi sustenableng manera ng pagsasakang ipinalaganap ng programang ito.

Sa pagtatapos ng 1985, ang mga researcher at staff ng ACES – sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka – ay ganap na nag-aalsa laban sa mga polisiyang pang-agrikultura ng diktaduryang Marcos at ang anti-magsasakang pagpapataw ng mga teknolohiya ng IRRI. Kaya, mula sa pananaw ng ACES, ang UPLB ay dobleng angkop na lugar para sa isang pambansang kumperensya sa mga problema ng Green Revolution. Ang kampus ay hindi lamang nagtataglay ng kilalang unibersidad sa pagsasaliksik sa agrikultura sa Timog-silangang Asya, ngunit ito ay, tulad ng ibang mga sangay ng Unibersidad ng Pilipinas noong mga panahong iyon, isang sentro ng paglaban sa diktadoryang rehimen ni Ferdinand Marcos Sr., na malapit na kasangga ng IRRI at ng Green Revolution nito.

Nasa 44 na kalahok na magsasaka mula sa 30 na people’s organization (PO) sa buong Pilipinas ang nakilahok sa BIGAS conference kung saan ang mga ito ay masinsinang nagbahanggunian ng kanilang mga masasalimuot na karanasan sa ilalim ng Green Revolution at MASAGANA 99. Mula sa bahanggunian na ito ay nagresulta ng isang dokumento na pinamagatang “Isang Deklarasyon sa Ugat ng Problema ng mga Magsasakang Pilipino”.

Nabasa nito:

            “Naniniwala kami na ang ugat ng aming pagdurusa ay maaring matunton sa sabwatan sa pagitan ng mga higanteng dayuhan at lokal na kapitalista, at ng ating gobyerno. Nakikita namin ang katibayan ng pagsasabwatan na ito sa aming kawalan ng kontrol sa aming mga lupain, sa mga kaduda-dudang teknolohiya sa pagsasaka na itinutulak sa amin, sa programa ng pagpapautang para sa pagsasaka, sa pagpepresyo at marketing ng mga pangunahing kagamtan sa pagsasaka – hal. mga abono, pestisidyo, atbp. – sa pagpepresyo at pagmemerkado ng ating mga produktong sakahan, atbp. Nagawa at ipinagpatuloy nila ang mga ito sa kalakhang bahagi sa pamamagitan ng mapanupil na makinarya ng panlilinlang at mga programa na kanilang nilikha at ipinatupad. (BIGAS, 1985: Annex II)

Sa ikatlong araw ng BIGAS Conference, iniharap ng mga magsasaka ang kanilang deklarasyon kay noo’y IRRI Director General M.S. Swaminathan at mga kinatawan mula sa dati na Philippine Ministry of Agriculture and Food (ngayon ay Department of Agriculture). Bagamat ang paghaharap ay maikli at iniiwasan ng mga awtoridad sa isang antas, nakakuha ito ng ilang mga tagumpay at mga bagong natagpuang kasama.

Sa isang partikular na pagkakataon, ang mga magsasaka na dumalo sa BIGAS Conference ay nakipagpulong sa UPLB agriculturalists na nakikiramay sa kanilang deklarasyon at mga kritisismo sa Green Revolution.

“Paano kami makakatulong?” tanong ng mga siyentipiko sa mga magsasaka

“Turuan niyo kaming magparami (breeding) ng palay tulad niyo”, sagot ng mga magsasaka.

Habang kapwa pinanatili ng mga magsasaka at siyentista ang kanilang ugnayan, noong Mayo 29, 1986 ang palitan ng mga magsasaka at siyentista ay naging isang pormal na partnership at nabuo bilang network ng Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura o MASIPAG na pormal na nagsimula sa ilang dosenang mga magsasaka ng palay sa Nueva Ecija, ACES organizers at mga progresibong akademiko mula sa UPLB.

Mula sa tuloy-tuloy nitong matalas at makatarungang pagsusuri ng mga magsasaka at katuwang nitong mga siyentista, nagbigay-daan ang MASIPAG sa pagsisiwalat ng iba’t ibang porma ng inhustisya (pangkalikasan, pulitikal at sosyo-ekonomiko) mula sa sistema ng pagkain at agrikultura na kontrolado ng mga dambuhalang korporasyon at iilang makakapangyarihan sa ating bansa. Gayundin, nagbigay-daan ito sa paglalatag ng mga alternatibo sa sistema ng pagsasaka kung saan nasa unahan at sentro nito ang mga magsasaka.

Naging susi ang MASIPAG sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng likas-kayang pagsasaka sa bansa mula sa pagpapaunlad ng sistema sa binhi, pagpapalahi nito, at sustainable agroecosystems. Nabigyan ng MASIPAG ng plataporma ang mga maliliit na magsasaka na ipamalas ang kanilang kaalaman, praktika at teknolohiya na angkop sa kanilang lugar at tumatalima sa kanilang prinsipyo. Naging bahagi ang MASIPAG sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal at pambansang ahensya ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng mga programa sa organikong pagsasaka.

Maraming tagumpay ang nakamit ng MASIPAG para sa mga maliliit na magsasaka sa bansa. Marami ring pagsubok na naigpawan at mga hamon na hinarap. Gayunman, nananatiling malakas at lumalawak ang ugnayang ito. Kung kaya’t sa darating na anibersaryo ng MASIPAG, ibabahagi natin sa publiko ang nagpapatuloy at umuunlad nitong gawain kasama ang mga magsasaka para sa mga magsasaka.

#MASIPAG38
#MulaAtParaSaMagsasaka
#SulongMASIPAG