
SAMA-SAMANG HAKBANG TUNGO SA PAGSASAKANG MULA AT PARA SA MALILIIT NA MAGSASAKA
Isa sa pangkalahatang Goals o nais na makamit natin sa MASIPAG ang muling pagsasakapangyarihan ng mga magsasaka o farmer empowerement at makamit ang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagsuporta sa lokal na inisyatiba ng mga magsasaka at kanilang mga organisasyon, gaya ng pagtataguyod ng likas-kayang sistema ng pagsasaka.
Kung titingnan, ang katagang seguridad sa pagkain ay plataporma din ng mga korporasyon, mga institusyon gaya ng IRRI at maga gubyerno sa kanilang panawagang ‘feed the world’ o pakainin ang sanlibutan ngunit sa pamamaraan ng pandarambong sa bihin at laksabuhay, mapaminsala at pumipiga ng sobrang kita o ganansya mula sa kanilang pangpapaguran. Nakakalungko sapagkat ang pangunahing tagalikha ng pagksain ang siyang pangunahing nakararanas ng kagutuman.
Pinag-iiba natin ang ating network, sapagkat ang layunin ng ating samahan ay bumubukal sa intensyon na kumawala ang mga magsasaka sa dikta ng mga korporasyon, at lumikha ng isang sistema ng pagsasakang mula at para sa mga maliliit na magsasaka. Sa katunayan, nasa posisyon ang netwrok na makapagbigay direksyon sa mga inisyatiba ng mga magsasaka na kamtin ang seguridad sa pagkain, pagharap sa nagbabagong klima at papatinding krisis sa pagkain at agrikulturang dulot ng mga dayuhang korporasyon.
Mula sa ating mayamang karanasan, mga tagumpay at kalakasan, ninanais natin na lumapad pa ang naabot ng programa ng ating network upang makaambag sa pagsagot sa tuwiran at panlipunang problema ng mga magsasaka at mamayan, partikulara na kasapatan sa pagkain. Ninanais natin na makapagpalapad ng kasapian at palakasin ang pakikisangkot ng sektor ng kabataan at kababaihan, pagpapahigpit ng ugnaya sa sektor ng mga siyentipiko, NGOs at kapwa samahan ng mga magsasaka, pag-abot sa ating mga kapatid na maralita sa kalunsuran, kritikal na pakiikipag-ugnayan sa gubyerno at mga ahensya, at malakas na ugnayang panglabas.
Sa ating pagkamit tungo sa ating Goals, inuuna natin ang mahalagang papel ng ating mga magsasaka at kanilang mga organisasyon, kakapit bisig ang mga siyentista at mga Non-Government Oganizations – ang pagpapanday sa landas na sama-samang hakbang tungo sa pagsasakang mula at para maliliit na magsasaka.
Sulong MASIPAG!
Basahin ang buong isyu ng SUHAY | January – July 2023 Issue: