Itong pahayag ay mula sa SUHAY Volume 2 Series of 2024
Sa bawat siklo ng eleksyon, itinutulak tayo ng kasaysayan na tanungin: Ano ang ating papel sa paghubog ng ating kinabukasan?

Ang mga magsasaka, na siyang nagpapakain sa bayan, ay patuloy na nakakaranas ng hindi pantay na trato at pagsasamantala. Habang ang mga malalaking interes ay patuloy na pinapalakas ang kanilang kapangyarihan, tayo ay nauurong, tinatahimik, at binabalewala sa mga diskusyon ukol sa mga patakaran na direktang nakakaapekto sa ating buhay.
Ngunit ngayon, higit pa sa isang simpleng pagkakataon ang eleksyon. Ito ay isang tawag na sumali at makialam—isang tawag na huwag magpatalo sa pabalat-bunga ng mga politiko, kundi makilahok sa pagbabago. Hindi sapat na maghintay na lamang na maging biktima ng mga maling patakaran at sistema. Dapat tayong maging aktibong kalahok sa bawat hakbang ng ating kinabukasan.
Ang ating sektor ay may matibay na laban, at ang tamang lider—mga katulad nina Ka Daning Ramos at Romel Arambulo, silang mga payak na magsasaka at mamalakayang buong pusong hinarap ang hamon at tumakbo sa pagkasenado sa darating na eleksyon—ay mga simbolo ng tunay na reporma at pag-asa. Ngunit higit sa lahat, ang ating pakikisangkot sa eleksyon ay isang hakbang upang tiyakin na ang mga lider na ito at ang mga katulad nila ay magkakaroon ng puwang upang magsulong ng tunay na pagbabago sa Senado. Kailangan natin ng mga lider na hindi lang magbibigay ng pangako kundi may malasakit at dedikasyon na may kasaysayan sa pakikibaka ng mga magsasaka at mamalakaya.

Sa bahagi ng MASIPAG, matagal na nating alam na ang likas-kayang pagsasaka ay hindi lamang solusyon para sa masaganang ani at kalusugan ng kalikasan, bagkus ito rin ay isang pagtutol laban sa sistemang nagpapahirap sa atin. Ang likas-kayang pagsasaka ang laban na ating mapagtatagumpayan.

Ka-magsasaka, ka-MASIPAG! Ang ating sektor ay walang hangganang potensyal! Ngunit kailangan natin ng mga lider na magsusulong ng tunay na reporma, hindi pabalat-bunga lamang. Kaya’t magkaisa tayo upang baguhin ang ating kapalaran at magsimula ng isang makatarungang sistema para sa atin at sa mga susunod na henerasyon. Ngayon paparating tayo sa pambansang eleksyon, ihalal natin ang mga lider na magtatanggol sa ating karapatan, magsusulong ng hustisya, at magpapalaganap ng likas-kayang agrikultura na tutugon sa pangangailangan ng mga maliliit na magsasaka.
English Translation
Beyond Token Reform: The Role of Farmers in the Upcoming National Elections
In every election cycle, history compels us to ask: What is our role in shaping our future? Farmers—the ones who feed the nation—continue to face inequality and exploitation. As powerful interests strengthen their grip, we are pushed aside, silenced, and ignored in policy discussions that directly affect our lives.
But today, the elections are more than just a routine opportunity. They are a call to participate and engage—a call to see beyond the cosmetic promises of politicians and instead be part of genuine change. It is no longer enough to wait and become victims of failed policies and broken systems. We must be active participants in every step toward our future.
Our sector has a deep and enduring struggle. And the right leaders—like Ka Daning Ramos and Romel Arambulo, humble farmers and fisherfolk who bravely accepted the challenge and are running for Senate in the upcoming elections—represent true reform and hope. More importantly, our participation in the elections is a step to ensure that leaders like them are given space to advance real change in the Senate.
We need leaders who not only make promises, but who have compassion, dedication, and a lived history of standing with farmers and fisherfolk in their fight.
For MASIPAG, we have long known that sustainable agriculture is not only a solution for bountiful harvests and ecological health—it is also an act of resistance against the systems that oppress us. Sustainable farming is a fight we can and must win.
Fellow farmers, fellow MASIPAG members—our sector holds limitless potential! But we need leaders who will champion genuine reform, not mere lip service. Let us unite to change our destiny and build a just system for ourselves and future generations. As the national elections approach, let us elect leaders who will defend our rights, pursue justice, and promote sustainable agriculture that addresses the real needs of small-scale farmers.